1 Macabeo 2:54-56 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

54. Dahil sa maalab na paglilingkod ng ating ninunong si Finehas, natamo naman niya ang kasunduan ng walang hanggang pagkapari.

55. Sa pagtugon ni Josue sa utos ng Diyos sa kanya, siya'y naging hukom ng bayang Israel.

56. Natamo naman ni Caleb ang bahagi ng lupain bilang pamana, sapagkat katotohanan ang kanyang ibinalita sa kapulungan ng Israel.

1 Macabeo 2