1 Macabeo 2:45-48 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

45. Ang mga altar ng mga Hentil ay winasak nina Matatias at ng kanyang mga kasama.

46. Lahat ng batang hindi tuli na matagpuan sa Israel ay pilit nilang ipinatuli.

47. Tinugis nila ang mga mapagmataas at mga hambog na pinuno ng mga Hentil na tumakas. Kaya't ang kilusan nina Matatias ay lumaganap sa buong bansa.

48. Sa ganitong paraan, ang utos ng Diyos ay napangalagaan, at hindi nagtagumpay ang hangarin ng mga Hentil at ng hari nila na wasakin ito.

1 Macabeo 2