1 Macabeo 2:29-30 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

Ang marami, na naniniwalang dapat sundin ang utos ng Diyos at mga tuntunin ng kanilang relihiyon, ay lumabas din at sa ilang na nanirahan, kasama ang kani-kanilang sambahayan. Dinala rin nila ang kanilang mga kawan sapagkat abut-abot na ang kasamaang nararanasan nila.

1 Macabeo 2

1 Macabeo 2:20-40