1 Macabeo 2:18-22 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

18. Manguna ka sa pagtupad sa utos ng hari, gaya ng ginawa ng mga Hentil at ibang mga taga-Judea at Jerusalem. Gawin mo lang ito ay tiyak na mapapabilang ka at ang iyong mga anak sa mga ‘Kaibigan ng Hari’, at gagantimpalaan ka niya ng pilak, ginto at iba pang regalo.”

19. Ngunit malakas na sumagot si Matatias, “Kahit lahat ng bansa ay sumunod sa hari at dahil dito'y nilabag nila ang pananampalatayang ipinamana ng kanilang mga ninuno,

20. kami ng aking sambahayan at mga kamag-anakan ay tutupad pa rin sa kasunduang ibinigay sa aming mga ninuno.

21. Huwag nawang ipahintulot ng Diyos na sumuway kami sa kanyang mga utos.

22. Hindi kami susunod sa gayong ipinagagawa ng hari at lalo namang hindi kami magtataksil sa aming relihiyon kailanman!”

1 Macabeo 2