1. Noong panahong iyon, isang pari mula sa angkan ni Joarib ang umalis sa Jerusalem at nanirahan sa Modein. Siya'y si Matatias na anak ni Juan at apo ni Simeon na pari.
2. May lima siyang anak na lalaki. Ang mga ito ay si Juan na tinatawag ding Gaddi;
3. si Simon na tinatawag namang Tassi;
4. si Judas na tinatawag na Macabeo;
5. si Eleazar na tinatawag na Avaran; at si Jonatan na tinatawag namang Afu.
6. Nasaksihan ni Matatias ang kalapastanganang nangyayari sa Judea at sa Jerusalem.
7. Nasabi niya ang ganito:“Bakit pa ako ipinanganak para masaksihan ko,ang kaapihan ng aking mga kababayan at ang pagkawasak ng banal na lunsod?Magwawalang bahala na lamang ba akosamantalang ganito ang ginagawa ng kaaway sa lunsod at sa templo?
8. Parang lalaking walang dangal ang templo ng Diyos.
9. Mga gamit ay sinimot.Mga sanggol ay dinurogat kabataan ay tinuhog.
10. Mga palasyo'y kinamkamng lumupig na dayuhan.
11. Palamuti ay sinamsam, kalayaan ay inagaw,at sila'y inalipin pang lubusan.
12. Dating kay gandang dambana, tingnan ninyo ngayon at sira,kanilang nilapastangan ang templo nating dakila.
13. Ano pa ang halaga ng mabuhay?”
14. Sa tindi ng dalamhati, sinira ni Matatias at ng kanyang limang anak ang kanilang kasuotan. Nagsuot sila ng damit-panluksa at nanangis ng buong pait.