1 Macabeo 16:21-24 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

21. Subalit may isang nagtatakbo at nauna sa Gezer sa mga tauhan ni Tolomeo. Ibinalita nito kay Juan ang pagkakapatay sa kanyang ama't mga kapatid at ang pagpapasugo ni Tolomeo ng mga kawal upang siya naman ang patayin.

22. Nagulantang si Juan sa balitang iyon ngunit dahil sa nabigyan siya ng babala, naipahuli niya at naipapatay ang mga taong isinugo upang pumatay sa kanya.

23. Ang iba pang ginawa ni Juan mula nang palitan niya ang kanyang ama—ang kanyang mga pakikidigma, kabayanihan, pagpapaayos ng mga pader, at iba pang nagawa

24. ay nakasulat lahat sa aklat ng kanyang pamamahala bilang Pinakapunong Pari.

1 Macabeo 16