1 Macabeo 13:35-42 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

35. Ganito ang sinasabi ng sulat na ipinadala ni Haring Demetrio bilang tugon:

36. “Pagbati mula kay Haring Demetrio para sa Pinakapunong Paring si Simon, ang kaibigan ng mga hari, at sa bansang Judio kasama ang kanilang mga pinuno.

37. Natanggap ko ang gintong korona at gintong sanga ng palma na ipinadala mo, at ako'y nahahandang makipagkasundo sa inyo at atasan ang mga pinuno na huwag na kayong hingan ng buwis.

38. Pinapagtibay ko ang nauna nating mga kasunduan. Mananatiling pag-aari ninyo ang mga tanggulang ipinagawa ninyo.

39. Pinatatawad ko rin ang inyong mga paglabag sa kasunduan, at hindi na rin kayo magbibigay ng mga tanging buwis at iba pang buwis na dating nililikom sa Jerusalem.

40. Lahat ng Judiong makakapasa ay maaaring magpatala para maglingkod sa palasyo. Pairalin natin ang kapayapaan.”

41. Kaya noong taóng 170, inalis sa mga Judio ang pamatok ng mga mapang-aping Hentil.

42. Ang mga kasulatan at kasunduan ay pinalagyan ng ganitong petsa: “Sa unang taon ni Simon, ang dakilang Pinakapunong Pari, tagapanguna at pinuno ng mga Judio.”

1 Macabeo 13