2. Nagpadala rin siya ng mga liham na may gayong pahayag sa mga taga-Esparta at sa iba pang lugar.
3. Ang mga sugo ay nagtungo sa Roma at tinanggap sa bulwagan ng Senado. Sinabi nilang sila'y isinugo ng Pinakapunong Paring si Jonatan at ng bansang Judio upang sariwain ang dating pakikipagkaibigan at pakikipagkaisa sa Roma.
4. Binigyan sila ng mga taga-Roma ng mga sulat para sa mga maykapangyarihan sa bawat bansang daraanan nila, na tumitiyak sa ligtas na paglalakbay nila pabalik sa lupain ng Judea.
5. Narito ang sipi ng sulat ni Jonatan sa mga taga-Esparta: