13. Ngunit sunod-sunod ang aming pakikipagdigma sapagkat palagi kaming sinasalakay ng mga bansa sa paligid.
14. At sa panahon ng digmaan, hindi namin ninais na gambalain kayo o sinuman sa aming mga kapanalig at kaibigan,
15. sapagkat kami'y tinutulungan ng Panginoon na siyang lumupig sa aming mga kaaway at nagligtas sa amin.
16. Ngayo'y isinugo namin si Numenio na anak ni Antioco at si Antipater na anak ni Jason, upang sariwain ang tali ng pakikipagkaibigan at pakikipagkaisa sa mga taga-Roma.
17. Inutusan din namin silang dalhin sa inyo ang aming pagbati at ang liham na ito tungkol sa pagsasariwa ng ating pagkakapatiran.
18. Ngayon nga, hinihiling namin ang inyong tugon sa liham na ito.”
19. Kasunod nito ang sipi ng naunang sulat:
20. “Pagbati ni Haring Arios ng Esparta kay Onias, ang Pinakapunong Pari.
21. Natagpuan namin ang isang kasulatan tungkol sa mga taga-Esparta at mga Judio; ito'y nagsasaad na may kaugnayan tayo, na ang ating bansa ay kapwa nagbuhat kay Abraham.
22. Ngayong natuklasan namin ito, mangyaring magpadala kayo sa amin ng ulat tungkol sa inyong katayuan.
23. Bilang tugon, padadalhan namin kayo ng isang liham na nagsasaad na kami ay nakahandang magbahagi ng aming ari-arian, pati mga kawan, kung gayon din ang gagawin ninyo. Binigyan na namin ng utos ang aming mga sugo para mag-ulat sa inyo nang naaayon sa mga bagay na ito.”
24. Nalaman ni Jonatan na nagbalik ang mga pinuno ni Demetrio upang sumalakay, at higit na marami ang kanilang kawal kaysa dati.
25. Hindi niya nais na bigyan sila ng pagkakataong makapasok sa kanyang lupain, kaya't lumabas siya sa Jerusalem at sinalubong sila sa Hamat.