Pagdating niya sa Asdod, ipinakita sa kanya ng mga tagaroon ang tupok na templo ni Dagon at lahat ng wasak na bahagi ng lunsod at mga karatig-nayon. Naghambalang sa lansangan ang mga bangkay. Ang mga sunog na bangkay ng mga nilipol ni Jonatan nang nagdaang paglalaban ay nakabunton sa dinaraanan ni Tolomeo.