Nang makita ni Haring Demetrio na payapa na ang lupaing kanyang pinamamahalaan, binuwag niya ang hukbo at pinauwi ang lahat ng kawal, maliban sa mga swelduhang kinuha sa mga pulo ng Griego. Bunga nito, nagalit sa kanya ang lahat ng kawal na naglingkod sa mga haring nauna sa kanya sapagkat nawalan sila ng hanapbuhay.