1 Macabeo 10:5-7 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

5. Kung hindi ako kikilos agad ay baka maalala pa niya ang masamang ginawa ko sa kanya, sa kanyang mga kapatid at sa bansang Israel.”

6. Kaya't binigyan niya ng karapatan si Jonatan na bumuo ng hukbo at binigyan ito ng mga sandata. Iniutos din niya na ang lahat ng mga bihag na Judio sa kuta ay ibigay kay Jonatan.

7. Pagkatanggap ng sulat, pumunta agad sa Jerusalem si Jonatan at ibinalita ito sa mga tao.

1 Macabeo 10