1 Macabeo 10:1-5 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

1. Noong taóng 160, ang Tolemaida ay sinakop ni Alejandro Epifanes na anak ni Haring Antioco IV. Naghari siya roon, at nagustuhan naman ng bayan ang kanyang pamamahala.

2. Nabalitaan ito ni Haring Demetrio, kaya't bumuo siya ng malaking hukbo at hinamon si Alejandro sa isang labanan.

3. Sumulat si Demetrio kay Jonatan upang ito'y kaibiganin at parangalan.

4. Nasabi niya sa sarili, “Kailangang makipagkaibigan ako kay Jonatan bago maisipan nitong makipag-ugnay kay Alejandro laban sa akin.

5. Kung hindi ako kikilos agad ay baka maalala pa niya ang masamang ginawa ko sa kanya, sa kanyang mga kapatid at sa bansang Israel.”

1 Macabeo 10