1 Macabeo 1:61-64 Magandang Balita Biblia 2005 (MBB05)

61. Ang mga batang tinuli ay tinatalian at isinasabit sa leeg ng kanilang mga ina. Pati mga kamag-anak ng mga batang ito at ang gumanap ng pagtutuli ay pinapatay rin.

62. Sa kabila ng lahat ng ito, marami pa ring mga Israelita ang nanatiling tapat at hindi kumain ng anumang pagkaing marumi.

63. Matamis pa sa kanila ang mamatay kaysa maging marumi dahil sa pagkain ng mga hindi ipinahihintulot ng kautusan o kaya'y sumuway sa banal na kasunduan. Marami nga ang namatay sa kanila.

64. Katakut-takot na hirap ang dinanas ng buong Israel.

1 Macabeo 1