6. tinawag niya ang mga kababata niya na ngayo'y matataas na pinuno ng hukbo. Pinaghati-hati niya sa kanila ang buong kaharian samantalang siya'y buháy pa.
7. At matapos ang labindalawang taong paghahari, siya ay namatay.
8. Nang siya'y mamatay, hinati nga ng kanyang mga opisyal ang kaharian ayon sa kanilang pook na pinananahanan.
9. Bawat isa'y ginawang hari ang kanyang sarili sa kanyang nasasakupan. Naghari ng mahabang panahon ang kanilang mga salinlahi at katakut-takot na pahirap ang ginawa nila sa daigdig.
10. Sa lahi ng mga ito'y may lumitaw na masamang hari. Ito'y si Antioco Epifanes, na anak ni Haring Antioco III ng Siria. Siya'y isa lamang bihag sa Roma bago siya naging hari ng Siria. Nagsimula siyang maghari nang taóng 137.