26. ang mga pinuno doon ay nagsitangis.Nawalan na ng sigla ang mga binata't dalaga;ganda ng kababaihan ay kumupas na.
27. Ang lalaking ikakasal, panaghoy ang inaawit,ang dalaga nama'y tumatangis sa kanyang silid.
28. Ang buong bayan ay nayanig, at ang Israel ay nanliit.Dahil sa kahihiyang kanilang sinapit.
29. Pagkalipas ng dalawang taon, ang hari ay nagsugo ng isang mataas na pinunong tagalikom ng buwis sa mga bayan ng Judea. Dumating ito sa Jerusalem na may kasamang isang malaking hukbo.
30. Sa pamamagitan ng panlilinlang, napapaniwala niya ang mga tao na ang dala niya'y kapayapaan. Ngunit nang makuha na niya ang kanilang tiwala, bigla niyang sinalakay ang lunsod, at marami ang napatay sa Israel.