Kinuha rin niya ang hapag na pinaghahandugan ng tinapay para sa Panginoon, ang mga kopang pinaglalagyan ng handog na inumin, ang mga mangkok at ang gintong sunugan ng insenso. Inalis niya ang kurtina, ang mga korona at lahat ng palamuting ginto sa harap ng Templo, at walang itinirang anumang mahalaga.