Zacarias 7:2-3-14 Ang Salita ng Dios (ASND)

4. At ito ang sinabi ng Panginoong Makapangyarihan kay Zacarias:

5. “Sabihin mo sa lahat ng mga mamamayan ng Israel pati sa mga pari, na ang kanilang pag-aayuno at pagluluksa sa bawat ikalima at ikapitong buwan sa loob ng 70 taon ay hindi nila ginagawa para sa akin.

6. At kung silaʼy kumakain at umiinom, ginagawa nila iyan para lamang sa sarili nilang kaligayahan.

7. Ito rin ang mensahe na ipinasabi ko sa mga propeta noon, nang masagana pa ang Jerusalem at marami pa itong tao pati ang mga bayang nasa paligid nito, at pati na ang Negev at ang kaburulan sa kanluran.”

Zacarias 7