Zacarias 6:1-7 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. May nakita pa akong apat na karwahe na lumabas sa pagitan ng dalawang bundok na tanso.

2. Ang unang karwahe ay hinihila ng mga pulang kabayo, ang pangalawa ay hinihila ng mga itim na kabayo,

3. ang pangatlo ay hinihila ng mga puting kabayo, at ang pang-apat ay hinihila ng mga batik-batik na kabayo. Ang mga kabayo ay pawang malalakas.

4. Tinanong ko ang anghel na nakikipag-usap sa akin, “Ano po ang ibig sabihin ng mga karwaheng iyan?”

5. Sumagot ang anghel, “Ang mga iyan ay ang apat na hangin sa kalawakan na paparating mula sa presensya ng Panginoon ng buong mundo.

6. Ang karwaheng hinihila ng mga itim na kabayo ay papunta sa isang lugar sa hilaga. Ang karwaheng hinihila ng mga puting kabayo ay papunta sa kanluran. At ang karwaheng hinihila ng mga batik-batik na kabayo ay papunta sa isang lugar sa timog.”

7. Nang papalabas pa lang ang malalakas na kabayo, nagmamadali na silang lumibot sa buong mundo. Sinabi ng anghel sa kanila, “Sige, libutin na ninyo ang buong mundo.” Kaya nilibot nila ang buong mundo.

12-13. Sabihin mo sa kanya na ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ay nagsasabi, ‘Ang taong tinatawag na Sanga ay lalago sa kalagayan niya ngayon, at itatayo niyang muli ang aking templo. Pararangalan siya bilang hari at mamamahala siya. Ang pari ay tatayo sa tabi ng kanyang trono at magkakaroon sila ng mabuting relasyon.’

Zacarias 6