Zacarias 5:8-11 Ang Salita ng Dios (ASND)

8. Sinabi ng anghel, “Ang babaeng iyan ay sumisimbolo sa kasamaan.” Itinulak niya ang babae pabalik sa loob ng kaing at isinara ang takip.

9. Pagkatapos, may nakita akong dalawang babaeng lumilipad na tinatangay ng hangin. Ang kanilang mga pakpak ay tulad ng sa tagak. Binuhat nila ang kaing at inilipad paitaas.

10. Tinanong ko ang anghel na nakikipag-usap sa akin, “Saan nila dadalhin ang kaing?”

11. Sumagot siya, “Sa Babilonia, kung saan gagawa ng templo para sa kaing. At kapag natapos na ang templo, ilalagay ito roon para sambahin.”

Zacarias 5