Zacarias 13:7-9 Ang Salita ng Dios (ASND)

7. Sinabi ng Panginoong Makapangyarihan, “Ihanda ang espada! Patayin ang pastol ko na aking lingkod. Patayin siya at mangangalat ang mga tupa, ang aba kong mga mamamayan. At parurusahan ko sila.

8. Mamamatay ang dalawa sa tatlong bahagi ng mga tao sa buong lupain ng Israel.

9. At ang ikatlong bahaging matitira ay lilinisin ko tulad ng pilak na pinadadalisay sa apoy. Susubukin ko sila tulad ng gintong sinusubok sa apoy kung tunay o hindi. Tatawag sila sa akin at diringgin ko sila. Sasabihin ko, ‘Sila ang aking mga mamamayan.’ At sasabihin din nila, ‘Ang Panginoon ang aming Dios.’ ”

Zacarias 13