Zacarias 11:1-4 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Kayong mga taga-Lebanon, buksan ninyo ang mga pintuan ng inyong lungsod at nang makapasok ang apoy na susunog sa inyong mga puno ng sedro.

2. Kung paanong nasira ang inyong mga magaganda at mayayabong na mga puno ng sedro, ganoon din masisira ang mga puno ng sipres at mga puno ng ensina ng Bashan.

3. Umiiyak ang mga pastol dahil nasira ang kanilang berdeng pastulan. Pati ang mga leon ay umaatungal dahil nasira ang kagubatan ng Jordan na kanilang tinitirhan.

4. Ito ang sinabi ng Panginoon kong Dios: “Alagaan mo ang mga tupang kakatayin.

Zacarias 11