Tito 2:1-5 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Ngunit ikaw, Tito, ituro mo ang naaayon sa wastong aral.

2. Ang mga nakatatandang lalaki ay turuan mong maging mahinahon, marangal, marunong magpasya kung ano ang nararapat, at matatag sa pananampalataya, sa pag-ibig at sa pagtitiis.

3. Ganoon din sa mga nakatatandang babae: turuan mo silang mamuhay nang maayos bilang mga mananampalataya. Huwag silang mapanira sa kapwa, at huwag maging mahilig sa alak. Dapat ay ituro nila ang mabuti,

4. upang maturuan nila ang mga nakababatang babae na mahalin ang kanilang asawa at mga anak,

5. marunong magpasya kung ano ang nararapat, malinis ang isipan, masipag sa tahanan, mabait, at nagpapasakop sa asawa, upang hindi mapintasan ang salita ng Dios na ating itinuturo.

Tito 2