Salmo 99:2-6 Ang Salita ng Dios (ASND)

2. Makapangyarihan ang Panginoon sa Zion,dinadakila siya sa lahat ng bansa.

3. Magpupuri ang mga tao sa kanya dahil siya ay makapangyarihan at kagalang-galang.Siya ay banal!

4. Siyaʼy haring makapangyarihan at ang nais niyaʼy katarungan.Sa kanyang paghatol ay wala siyang kinikilingan,at ang ginagawa niya sa Israel ay matuwid at makatarungan.

5. Purihin ang Panginoon na ating Dios.Sambahin siya sa kanyang templo.Siya ay banal!

6. Sina Moises at Aaron ay kanyang mga pari,at si Samuel ay isa sa mga nanalangin sa kanya.Tumawag sila sa Panginoon at tinugon niya sila.

Salmo 99