Salmo 97:4-9 Ang Salita ng Dios (ASND)

4. Ang kanyang mga kidlat ay lumiliwanag sa mundo.Nakita ito ng mga tao at nanginig sila sa takot.

5. Natutunaw na parang kandila ang mga kabundukan sa presensya ng Panginoon, ang Panginoon na naghahari sa buong mundo.

6. Ipinapahayag ng langit na matuwid siyaat nakikita ng lahat ng tao ang kanyang kaluwalhatian.

7. Mapapahiya ang lahat ng sumasamba sa mga dios-diosan at ang mga nagmamalaki sa mga ito.Ang lahat ng mga dios ay lumuhod at sambahin ang Dios.

8. Panginoon, narinig ng mga taga-Zion at ng mga taga-Juda ang tungkol sa inyong wastong pamamaraan ng pamamahala,kaya tuwang-tuwa sila.

9. Dahil kayo, Panginoon, ang Kataas-taasang Dios ay naghahari sa buong mundo.Higit kayong dakila kaysa sa lahat ng mga dios.

Salmo 97