1. Ang Panginoon ay naghahari!Kaya magalak ang mundo, pati na ang mga isla.
2. Napapalibutan siya ng makakapal na ulapat naghahari nang may katuwiran at katarungan.
3. May apoy sa unahan niya at sinusunog nito ang mga kaaway niyang nakapalibot sa kanya.
4. Ang kanyang mga kidlat ay lumiliwanag sa mundo.Nakita ito ng mga tao at nanginig sila sa takot.
5. Natutunaw na parang kandila ang mga kabundukan sa presensya ng Panginoon, ang Panginoon na naghahari sa buong mundo.