Salmo 96:7-10 Ang Salita ng Dios (ASND)

7. Purihin ninyo ang Panginoon,kayong lahat ng tao sa mundo.Purihin ninyo ang kanyang kaluwalhatian at kapangyarihan.

8. Ibigay ninyo sa Panginoon ang mga papuring nararapat sa kanya.Magdala kayo ng mga handog at pumunta sa templo.

9. Sambahin ninyo ang kabanalan ng Panginoon.Matakot kayo sa kanya, kayong lahat ng nasa sanlibutan.

10. Sabihin ninyo sa mga bansa, “Naghahari ang Panginoon!”Matatag ang daigdig na kanyang nilikha at hindi ito matitinag.Hahatulan niya ang mga tao ng walang kinikilingan.

Salmo 96