5. dahil ang lahat ng dios ng ibang mga bansa ay hindi tunay na mga dios.Ang Panginoon ang lumikha ng langit.
6. Nasa kanya ang kapangyarihan at karangalan;at nasa templo niya ang kalakasan at kagandahan.
7. Purihin ninyo ang Panginoon,kayong lahat ng tao sa mundo.Purihin ninyo ang kanyang kaluwalhatian at kapangyarihan.
8. Ibigay ninyo sa Panginoon ang mga papuring nararapat sa kanya.Magdala kayo ng mga handog at pumunta sa templo.
9. Sambahin ninyo ang kabanalan ng Panginoon.Matakot kayo sa kanya, kayong lahat ng nasa sanlibutan.