2. Awitan ninyo ang Panginoon at purihin ang kanyang pangalan.Ipahayag ninyo sa bawat araw ang tungkol sa pagligtas niya sa atin.
3. Ipahayag ninyo sa lahat ng mamamayan sa mga bansa ang kanyang kapangyarihan at mga kahanga-hangang gawa.
4. Dahil dakila ang Panginoon, at karapat-dapat papurihan.Dapat siyang igalang ng higit sa lahat ng mga dios,
5. dahil ang lahat ng dios ng ibang mga bansa ay hindi tunay na mga dios.Ang Panginoon ang lumikha ng langit.
6. Nasa kanya ang kapangyarihan at karangalan;at nasa templo niya ang kalakasan at kagandahan.
7. Purihin ninyo ang Panginoon,kayong lahat ng tao sa mundo.Purihin ninyo ang kanyang kaluwalhatian at kapangyarihan.