3. Dahil ang Panginoon ay dakilang Dios.Makapangyarihang hari sa lahat ng mga dios.
4. Siya ang may-ari ng kailaliman ng lupa at tuktok ng mga bundok.
5. Sa kanya rin ang dagat pati ang lupain na kanyang ginawa.
6. Halikayo, lumuhod tayo at sumamba sa Panginoon na lumikha sa atin.
7. Dahil siya ang ating Diosat tayo ang kanyang mga mamamayan na gaya ng mga tupa sa kanyang kawan na kanyang binabantayan at inaalagaan.Kapag narinig ninyo ang tinig niya,
8. huwag ninyong patigasin ang inyong mga puso,katulad ng ginawa noon ng inyong mga ninuno doon sa Meriba at sa ilang ng Masa.
9. Sinabi ng Dios, “Sinubok nila ako doon, kahit na nakita nila ang mga ginawa ko.