1. Halikayo, magsiawit tayo nang may kagalakan!Sumigaw tayo sa pagpupuri sa Panginoon na ating Bato na kanlungan at tagapagligtas.
2. Lumapit tayo sa kanya nang may pasasalamat,at masaya nating isigaw ang mga awit ng papuri sa kanya.
3. Dahil ang Panginoon ay dakilang Dios.Makapangyarihang hari sa lahat ng mga dios.
4. Siya ang may-ari ng kailaliman ng lupa at tuktok ng mga bundok.
5. Sa kanya rin ang dagat pati ang lupain na kanyang ginawa.