Salmo 94:7-12 Ang Salita ng Dios (ASND)

7. Sinasabi nila, “Hindi makikita ng Panginoon ang ginagawa namin;ni hindi ito mapapansin ng Dios ni Jacob.”

8. Kayong mga hangal at matitigas ang ulo, kailan ba kayo makakaunawa?Unawain ninyo ito:

9. Ang Dios na gumawa ng ating mga tainga at mata, hindi ba nakakarinig o nakakakita?

10. Siya na nagpaparusa sa mga bansang hindi kumikilala sa kanya ay hindi ba magpaparusa sa inyo?Siya na nagtuturo sa mga tao, wala bang nalalaman?

11. Alam ng Panginoon na ang iniisip ng mga tao ay walang kabuluhan.

12. O Panginoon, mapalad ang taong pinangangaralan nʼyo sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanya ng inyong mga kautusan.

Salmo 94