Salmo 94:6-10 Ang Salita ng Dios (ASND)

6. Pinapatay nila ang mga biyuda at mga ulila, pati na ang mga dayuhan.

7. Sinasabi nila, “Hindi makikita ng Panginoon ang ginagawa namin;ni hindi ito mapapansin ng Dios ni Jacob.”

8. Kayong mga hangal at matitigas ang ulo, kailan ba kayo makakaunawa?Unawain ninyo ito:

9. Ang Dios na gumawa ng ating mga tainga at mata, hindi ba nakakarinig o nakakakita?

10. Siya na nagpaparusa sa mga bansang hindi kumikilala sa kanya ay hindi ba magpaparusa sa inyo?Siya na nagtuturo sa mga tao, wala bang nalalaman?

Salmo 94