Salmo 94:17-22 Ang Salita ng Dios (ASND)

17. Kung hindi nʼyo ako tinulungan Panginoon, maaaring patay na ako ngayon.

18. Nang sabihin kong parang mamamatay na ako, ang inyong pag-ibig at awa Panginoon ang tumulong sa akin.

19. Kapag gulong-gulo ang isip ko, inaaliw nʼyo ako at akoʼy sumasaya.

20. Hindi kayo maaaring pumanig sa masasamang hukom na gumagawa ng kasamaan sa pamamagitan ng kautusan.

21. Sama-sama silang kumakalaban sa matutuwid at hinahatulan nila ng kamatayan ang walang kasalanan.

22. Ngunit kayo, Panginoon na aking Dios ay aking tagapagtanggol at batong kanlungan.

Salmo 94