Salmo 94:12-18 Ang Salita ng Dios (ASND)

12. O Panginoon, mapalad ang taong pinangangaralan nʼyo sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanya ng inyong mga kautusan.

13. Tinuturuan nʼyo siya upang magkaroon siya ng kapayapaan sa oras ng kaguluhan hanggang sa oras na ang masasama ay inyong parusahan.

14. Dahil hindi nʼyo itatakwil, Panginoon, ang mamamayang pag-aari ninyo.

15. Darating ang araw na ang paghatol ay muling magiging makatarunganat itoʼy susundin ng lahat ng namumuhay nang matuwid.

16. Walang tumutulong sa akin laban sa mga taong gumagawa ng kasamaan kundi kayo lang, Panginoon.

17. Kung hindi nʼyo ako tinulungan Panginoon, maaaring patay na ako ngayon.

18. Nang sabihin kong parang mamamatay na ako, ang inyong pag-ibig at awa Panginoon ang tumulong sa akin.

Salmo 94