1. Panginoon, kayo ang Dios na nagpaparusa.Ipakita nʼyo na ang inyong katarungan.
2. Kayo ang humahatol sa lahat ng tao,kaya sige na po Panginoon,gantihan nʼyo na nang nararapat ang mayayabang.
3. Hanggang kailan magdiriwang ang masasama, Panginoon?
4. Silang lahat na gumagawa ng masama ay ubod ng yabang.
5. Inaapi nila ang mamamayang pag-aari ninyo, Panginoon.
6. Pinapatay nila ang mga biyuda at mga ulila, pati na ang mga dayuhan.
7. Sinasabi nila, “Hindi makikita ng Panginoon ang ginagawa namin;ni hindi ito mapapansin ng Dios ni Jacob.”
8. Kayong mga hangal at matitigas ang ulo, kailan ba kayo makakaunawa?Unawain ninyo ito:
9. Ang Dios na gumawa ng ating mga tainga at mata, hindi ba nakakarinig o nakakakita?