Salmo 92:5-9 Ang Salita ng Dios (ASND)

5. Panginoon, kay dakila ng inyong mga ginawa.Ang isipan nʼyoʼy hindi namin kayang unawain.

6. Hindi maunawaan ng mga hangal at matitigas ang ulo

7. na kahit umunlad ang taong masama gaya ng damong lumalago,ang kahahantungan pa din niya ay walang hanggang kapahamakan.

8. Ngunit kayo, Panginoon, ay dakila sa lahat magpakailanman.

9. Tiyak na mamamatay ang lahat ng inyong kaaway at mangangalat ang lahat ng gumagawa ng masama.

Salmo 92