Salmo 92:11-15 Ang Salita ng Dios (ASND)

11. Nasaksihan ko ang pagkatalo ng aking mga kaaway,at narinig ko ang pagdaing ng masasamang kumakalaban sa akin.

12. Uunlad ang buhay ng mga matuwid gaya ng mga palma,at tatatag na parang puno ng sedro na tumutubo sa Lebanon.

13. Para silang mga punong itinanim sa templo ng Panginoon na ating Dios,

14. lumalago at namumunga kahit matanda na,berdeng-berde ang mga dahon at nananatiling matatag.

15. Ipinapakita lamang nito na ang Panginoon, ang aking Bato na kanlungan ay matuwid.Sa kanyaʼy walang anumang kalikuan na matatagpuan.

Salmo 92