1. Kataas-taasang Dios na Panginoon namin, napakabuting magpasalamat at umawit ng papuri sa inyo.
2. Nakalulugod na ipahayag ang inyong pag-ibig at katapatan araw at gabi,
3. habang tumutugtog ng mga instrumentong may kwerdas.
4. Dahil pinasaya nʼyo ako, Panginoon, sa pamamagitan ng inyong kahanga-hangang mga gawa.At dahil dito, akoʼy umaawit sa tuwa.
5. Panginoon, kay dakila ng inyong mga ginawa.Ang isipan nʼyoʼy hindi namin kayang unawain.