5. Winawakasan nʼyo ang aming buhay na parang isang panaginip na biglang nawawala,
6. o para ding damong tumutubo at lumalago sa umaga, ngunit kinahapunaʼy natutuyo at nalalanta.
7. Dahil sa inyong galit kami ay natutupok.Sa tindi ng inyong poot kami ay natatakot.
8. Nakikita nʼyo ang aming mga kasalanan,kahit na ang mga kasalanang lihim naming ginawa ay alam ninyo.
9. Totoong sa galit nʼyo kami ay mamamatay;matatapos ang aming buhay sa isang buntong hininga lang.
10. Ang buhay namin ay hanggang 70 taon lang, o kung malakas pa ay aabot ng 80 taon.Ngunit kahit ang aming pinakamagandang mga taon ay puno ng paghihirap at kaguluhan.Talagang hindi magtatagal ang buhay namin at kami ay mawawala.