1. Panginoon, kayo ang aming tahanan mula pa noon.
2. Bago nʼyo pa likhain ang mga bundok at ang mundo, kayo ay Dios na,at kayo pa rin ang Dios hanggang sa katapusan.
3. Kayo ang nagpapasya kung kailan mamamatay ang isang tao.Ibinabalik nʼyo siya sa lupa dahil sa lupa siya nagmula.
4. Ang 1,000 taon sa amin ay parang isang araw lang na lumipas sa inyo, o parang ilang oras lang sa gabi.
5. Winawakasan nʼyo ang aming buhay na parang isang panaginip na biglang nawawala,
6. o para ding damong tumutubo at lumalago sa umaga, ngunit kinahapunaʼy natutuyo at nalalanta.