12. Hindi niya nakakalimutan ang panawagan ng mga pinahihirapan;pinaghihigantihan niya ang mga nagpapahirap sa kanila.
13. Panginoon, tingnan nʼyo po ang pagpapahirap sa akin ng aking mga kaaway.Maawa kayo sa akin, at iligtas nʼyo ako sa bingit ng kamatayan,
14. upang masabi ko sa lahat ng tao sa pintuan ng Zion, ang inyong mga ginawa,at akoʼy magagalak at magpupuri dahil sa inyong pagliligtas.
15. Nangyari mismo sa kanilang bansa ang plinano nilang masama.At sila mismo ang nahuli sa sarili nilang bitag.
16. Ipinakita ng Panginoon kung sino siya sa pamamagitan ng paghatol niya ng matuwid.At ang masasama ay napahamak,dahil na rin sa kanilang ginawang masama.
17. Mamamatay ang taong masasama sa lahat ng bansa,dahil itinakwil nila ang Dios.
18. Ang mga dukha ay hindi laging pababayaan,at ang pag-asa ng mga mahihirap ay hindi na mawawala kailanman.
19. O Panginoon, huwag nʼyong pabayaang manaig ang kakayahan ng mga tao,tipunin nʼyo sa inyong presensya at hatulan ang mga taong hindi kumikilala sa inyo.
20. Turuan nʼyo silang matakot Panginoon,at nang malaman nilang silaʼy mga tao lamang.