Salmo 89:8-21 Ang Salita ng Dios (ASND)

8. O Panginoong Dios na Makapangyarihan, wala kayong katulad;makapangyarihan kayo Panginoon at tapat sa lahat ng inyong ginagawa.

9. Nasa ilalim ng kapangyarihan nʼyo ang nagngangalit na dagat,pinatatahimik nʼyo ang mga malalaking alon.

10. Dinurog nʼyo ang dragon na si Rahab, at namatay ito.Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihaʼy ipinangalat nʼyo ang inyong mga kaaway.

11. Sa inyo ang langit at ang lupa, ang mundo at ang lahat ng naritoʼy kayo ang lumikha.

12. Nilikha nʼyo ang hilaga at ang timog.Ang mga bundok ng Tabor at Hermon ay parang mga taong umaawit sa inyo nang may kagalakan.

13. Ang lakas nʼyo ay walang kapantay, at ang inyong kanang kamay ay nakataas at napakamakapangyarihan!

14. Katuwiran at katarungan ang pundasyon ng inyong paghaharina pinangungunahan ng tapat na pag-ibig at katotohanan.

15. Panginoon, mapalad ang mga taong nakaranas na sumigaw dahil sa kagalakan para sa inyo.Namumuhay sila sa liwanag na nagmumula sa inyo.

16. Dahil sa inyo palagi silang masaya.At ang inyong pagiging makatuwiran ay pinupuri nila.

17. Pinupuri namin kayo dahil kayo ang aming dakilang kalakasan,at dahil sa inyong kabutihan kami ay magtatagumpay.

18. Panginoon, Banal na Dios ng Israel,ikaw ang naghirang sa hari na sa amin ay nagtatanggol.

19. Noon, nagsalita kayo sa inyong mga tapat na lingkod sa pamamagitan ng pangitain.Sinabi nʼyo, “May hinubog akong isang mandirigma.Pinili ko siya mula sa mga karaniwang tao,at ginawang hari.

20. Si David na aking lingkod ang pinili kong hari sa pamamagitan ng pagpahid sa kanya ng banal na langis.

21. Ang kapangyarihan ko ang makakasama niya, at magpapalakas sa kanya.

Salmo 89