Salmo 89:6-14 Ang Salita ng Dios (ASND)

6. Walang sinuman doon sa langit ang katulad nʼyo, Panginoon.Sino sa mga naroon ang katulad nʼyo, Panginoon?

7. Iginagalang kayo sa pagtitipon ng mga banal sa langit.Higit kayong kahanga-hanga, at silang lahat na nakapalibot sa inyoʼy may malaking takot sa inyo.

8. O Panginoong Dios na Makapangyarihan, wala kayong katulad;makapangyarihan kayo Panginoon at tapat sa lahat ng inyong ginagawa.

9. Nasa ilalim ng kapangyarihan nʼyo ang nagngangalit na dagat,pinatatahimik nʼyo ang mga malalaking alon.

10. Dinurog nʼyo ang dragon na si Rahab, at namatay ito.Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihaʼy ipinangalat nʼyo ang inyong mga kaaway.

11. Sa inyo ang langit at ang lupa, ang mundo at ang lahat ng naritoʼy kayo ang lumikha.

12. Nilikha nʼyo ang hilaga at ang timog.Ang mga bundok ng Tabor at Hermon ay parang mga taong umaawit sa inyo nang may kagalakan.

13. Ang lakas nʼyo ay walang kapantay, at ang inyong kanang kamay ay nakataas at napakamakapangyarihan!

14. Katuwiran at katarungan ang pundasyon ng inyong paghaharina pinangungunahan ng tapat na pag-ibig at katotohanan.

Salmo 89