Salmo 89:32-48 Ang Salita ng Dios (ASND)

32. parurusahan ko sila sa kanilang mga kasalanan.

33. Ngunit mamahalin ko pa rin at dadamayan si David.

34. Hindi ko sisirain ang aking kasunduan sa kanya,at hindi ko babawiin ang aking ipinangako sa kanya.

35. Nangako na ako kay David ayon sa aking kabanalan at hindi ako maaaring magsinungaling.

36. Ang bawat hari ng Israel ay magmumula sa kanyang lahi magpakailanman gaya ng araw,

37. at magpapatuloy ito magpakailanmankatulad ng buwan na itinuturing na tapat na saksi sa kalangitan.”

38. Ngunit, Panginoon, nagalit kayo sa inyong piniling hari;itinakwil nʼyo siya at iniwanan.

39. Binawi nʼyo ang kasunduan sa inyong lingkod at kinuha sa kanya ang kapangyarihan bilang hari.

40. Winasak ninyo ang mga pader ng kanyang lungsod at ginuho ang mga pinagtataguan nila.

41. Kaya lahat ng dumadaan sa kanyang kaharian ay nananamantala,pinagsasamsam ang mga kagamitan sa lungsod.Pinagtatawanan siya ng mga katabing bansa.

42. Pinagtagumpay nʼyo ang kanyang mga kaaway at pinasaya silang lahat.

43. Winalang kabuluhan ninyo ang kanyang mga sandata at ipinatalo siya sa labanan.

44. Winakasan nʼyo ang kanyang katanyagan pati na ang kanyang kapangyarihan bilang hari.

45. At dahil ditoʼy, nagmukha siyang matanda sa bata niyang edad.Inilagay nʼyo siya sa kahihiyan.

46. Panginoon, hanggang kailan nʼyo kami pagtataguan?Wala na ba itong katapusan?Hanggang kailan mag-aapoy ang inyong galit sa amin?

47. Alalahanin nʼyo kung gaano kaiksi ang buhay ng tao.Alalahanin nʼyong nilikha nʼyo ang tao na may kamatayan.

48. Sinong tao ang hindi mamamatay?Maiiwasan ba ng tao ang kamatayan?

Salmo 89