Salmo 89:29-34 Ang Salita ng Dios (ASND)

29. Ang bawat hari ng Israel ay magmumula sa kanyang angkan;ang kanyang paghahari ay magiging matatag tulad ng kalangitan at mananatili magpakailanman.

30. Ngunit kung ang mga anak niya ay tumalikod sa aking kautusan at hindi mamuhay ayon sa aking pamamaraan,

31. at kung labagin nila ang aking mga tuntunin at kautusan,

32. parurusahan ko sila sa kanilang mga kasalanan.

33. Ngunit mamahalin ko pa rin at dadamayan si David.

34. Hindi ko sisirain ang aking kasunduan sa kanya,at hindi ko babawiin ang aking ipinangako sa kanya.

Salmo 89