24. Mamahalin ko siya at dadamayan.At sa pamamagitan ng aking kapangyarihanay magtatagumpay siya.
25. Paghahariin ko siya mula sa Dagat ng Mediteraneo hanggang sa Ilog ng Eufrates.
26. Sasabihin niya sa akin, ‘Kayo ang aking Ama at Dios;kayo ang bato na aking kanlungan at kaligtasan.’
27. Ituturing ko siyang panganay kong anak,ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng hari.
28. Ang pag-ibig ko sa kanyaʼy magpakailanman at ang kasunduan ko sa kanyaʼy mananatili.
29. Ang bawat hari ng Israel ay magmumula sa kanyang angkan;ang kanyang paghahari ay magiging matatag tulad ng kalangitan at mananatili magpakailanman.