Salmo 89:2-13 Ang Salita ng Dios (ASND)

2. Ipapahayag ko na matatag ang inyong walang hanggang pag-ibig, at mananatili gaya ng kalangitan.

3. At inyong sinabi, “Gumawa ako ng kasunduan sa aking lingkod na si David na aking pinili upang maging hari.Ito ang ipinangako ko sa kanya:

4. Ang bawat hari ng Israel ay manggagaling sa iyong lahi;ang iyong kaharian ay magpapatuloy magpakailanman.”

5. Panginoon, pupurihin ng mga nilalang sa langit ang inyong katapatan at mga kahanga-hangang gawa.

6. Walang sinuman doon sa langit ang katulad nʼyo, Panginoon.Sino sa mga naroon ang katulad nʼyo, Panginoon?

7. Iginagalang kayo sa pagtitipon ng mga banal sa langit.Higit kayong kahanga-hanga, at silang lahat na nakapalibot sa inyoʼy may malaking takot sa inyo.

8. O Panginoong Dios na Makapangyarihan, wala kayong katulad;makapangyarihan kayo Panginoon at tapat sa lahat ng inyong ginagawa.

9. Nasa ilalim ng kapangyarihan nʼyo ang nagngangalit na dagat,pinatatahimik nʼyo ang mga malalaking alon.

10. Dinurog nʼyo ang dragon na si Rahab, at namatay ito.Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihaʼy ipinangalat nʼyo ang inyong mga kaaway.

11. Sa inyo ang langit at ang lupa, ang mundo at ang lahat ng naritoʼy kayo ang lumikha.

12. Nilikha nʼyo ang hilaga at ang timog.Ang mga bundok ng Tabor at Hermon ay parang mga taong umaawit sa inyo nang may kagalakan.

13. Ang lakas nʼyo ay walang kapantay, at ang inyong kanang kamay ay nakataas at napakamakapangyarihan!

Salmo 89