1. Panginoon, aawitin ko ang tungkol sa inyong tapat na pag-ibig magpakailanman.Ihahayag ko sa lahat ng salinlahi ang inyong katapatan.
2. Ipapahayag ko na matatag ang inyong walang hanggang pag-ibig, at mananatili gaya ng kalangitan.
3. At inyong sinabi, “Gumawa ako ng kasunduan sa aking lingkod na si David na aking pinili upang maging hari.Ito ang ipinangako ko sa kanya:
4. Ang bawat hari ng Israel ay manggagaling sa iyong lahi;ang iyong kaharian ay magpapatuloy magpakailanman.”