Salmo 88:10-18 Ang Salita ng Dios (ASND)

10. Gumagawa ba kayo ng himala sa mga patay?Bumabangon ba sila upang kayoʼy papurihan?

11. Ang katapatan nʼyo ba at pag-ibig ay pinag-uusapan sa libingan?

12. Makikita ba ang inyong mga himala at katuwiran sa madilim na lugar ng mga patay?Doon sa lugar na iyon ang lahat ay kinakalimutan.

13. Kaya Panginoon, humihingi ako ng tulong sa inyo.Tuwing umagaʼy nananalangin ako sa inyo.

14. Ngunit bakit nʼyo ako itinatakwil Panginoon?Bakit nʼyo ako pinagtataguan?

15. Mula pa noong bata ay nagtitiis na ako at muntik nang mamatay.Tiniis ko ang mga nakakatakot na ginawa nʼyo sa akin.

16. Ang inyong galit ay humampas sa akin na parang malakas na hangin.Halos mamatay ako sa mga nakakatakot na ginawa nʼyo sa akin.

17. Dumating ang mga ito sa akin na parang baha at pinalibutan ako.

18. Inilayo nʼyo sa akin ang mga mahal ko sa buhay at mga kaibigan;wala akong naging kasama kundi kadiliman.

Salmo 88